Repaying kindness: Isang 22-anyos na programmer, libreng nagaayos ng mga laptop para sa mga estudyante walang pambayad


Larawan mula sa Facebook


Nakakatuwang isipin na may mga taong hindi nakakalimot sa kanilang pinang galingan at bilang balik sa mga biyayang natanggap, sila naman ang tumutulong sa kapwa ng walang anumang kapalit. 

Isa na rito ang 22 taong gulang na programmer na dating nakaranas ng mga paghihirap sa buhay ay nag-aalok ngayon ng libreng serbisyo sa pagkukumpuni ng computer / laptop sa mga mag-aaral lalo na at online na ang pagpapatuloy ng klase.


Sa kasalukuyan, umabot na ng 150 na mga estudyante ang lumapit kay Mark Anthony Perez, matapos niyang simulan ang libreng repair sa kasagsagan ng pandemya.

Napakalaking tulong ng ginagawang ito ni Perez para sa mga mag-aaral na nakasalalay sa laptop o computer ang pagpapatuloy ng pag-aaral.

Hiniling ni Perez na kung may mga sirang computer o laptop ay huwag itapon dahil maaaring idonate ang ibang mga parts nito sa kanya upang magamit niya sa mga nagpapawagang estudyante sa kanyang shop.

Nagbibigay din siya ng mga lumang laptop, dalawa rito ay naihatid sa kanya para sa mga estudyanteng hindi talaga kayang bumili.

“All they need is to show their certificates of registration (COR) or school identification cards, since this campaign is open to all students who are in need,” ayon pa sa programmer

“Gusto ko lang makatulong kahit sa simpleng bagay lang na ganito. Minsan na din akong nahirapan at may mga taong tumulong sa’kin. Panahon na para ako naman ang magbalik ng tulong para sa iba (All I want to do is help out. I was also in dire straits once and people offered me help so I am lending a hand to those in need),” dagdag pa ni Perez


Alam din umano ni Perez na maraming bata ang walang internet connection sa kanilang mga tahanan tulad niya at umaasa lang sa kanilang mobile phones para makapag aral.



Source: Daily Sentry

Post a Comment

0 Comments