LUNGSOD PASIG, Set. 14 – Inanunsyo ng Light Rail Authority (LRTA) na simula ngayong araw (Set. 14), ay ipatutupad na ng LRT-2 ang 0.75-metrong distansya ng bawat pasahero sa loob ng tren.
Ayon sa LRT-2, ito ay alinsunod sa pag-apruba ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa mungkahi ng Department of Transportation (DOTr) at ng Economic Development Cluster na dagdagan ang kapasidad ng mga pampublikong transportasyon - mula sa dating 160 na pasahero ay magiging 212 na.
Paalala ng LRT-2 sa mga mananakay na manatili lamang sa mga ‘safe distance’ markings sa loob ng tren at sa mga istasyon.
Gayundin, paalala ng LRT-2 sa mga mananakay ng tren na ugaliin ang pagsusuot ng face mask at face shield. (LRT-2/PIA-NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments