Andanar binigyang pugay ang 'Warrior with a Heart'

CAGAYAN DE ORO CITY, Set. 27 (PIA)  --“Saludo ako sa inyo. Mabuhay kayo. Bilib ako sa inyo.”

Ito ang pinahayag ni Presidential Communications Operations and CORDS X Secretary Martin Andanar sa mga kakabalik lang na mga medical frontliner volunteers na tumugon sa panawagan ng National Capital Region sa nadgdaang yugto ng Talakayan sa PIA.

Matatandaan na ang mga medical frontliner volunteers ay umalis patungong Manila noong Agosto 21, 2020 para tugunan ang kakulangan sa health workforce sa naturang lugar sa pagpapatuloy ng laban kontra sa COVID-19. Ang grupo na pinangalanan na Warriors with a Heart ay pinangungunahan  ni Dr. Tristan Jediah Labitad at binubo-o ng labing isang membro kung saan merong isang doctor, pitong nurse at tatlong medical technologist.

Bilang pagkilala sa sakripisyo at peligrong kinaharap ng grupo, pinasalamatan at binigyang pugay sila ni Andanar sa tulong na kanilang pinaabot sa NCR.

“Binabati kita at ang iyong grupo. Saludo ako sa inyong pagboboluntaryo hindi lamang sa inyong mga oras kung di pati ng inyong mga buhay. Alam kong mahirap na ipagsapalaran ninyo inyong mga buhay upang matulungan lamang ang gobyerno at ang bawat Pilipino na dumaranas ng paghiirap na it dulot ng pandemikong COVID-19. Alam kong mahirap ang pinagdaan ninyo. Ngunit, katulad ng kanilang sinasabi, ang tunay na pagkatao ay masusukat kung gaano kalaki ang maibibigay niya sa kanyang sarili para sa isang kadahilanang mas Malaki pa kaysa sa kanya,” ayon kay Andanar. (JAKA/PIA10)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments