LUNGSOD CALOOCAN, Sept. 14 (PIA) -- Masayang ibinalita nitong weekend ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na umabot sa 80-porsyento ng mga persons deprived of liberty (PDLs) ang naka-recover na sa COVID-19.
Sa interview ni BJMP Spokesperson J/CInsp Xavier Solda sa Laging Handa Public Briefing, ibinalita nitong mula sa mahigit 1,151 na kaso ng COVID-19 ay nasa 175 active case na lamang, at 918 na ang mga nakarecover.
Binanggit ni Solda na patuloy ang pagsisipag ng kanilang mga duktor, nurses at medical personnel sa pagbibigay ng 24/7 na “more focused medical care” at ang pagsasagawa ng “pre-cautionary health measures” sa kanilang mga pasilidad.
“Dahil mahalaga sa BJMP ang papel ng mga kapamilya ng ating mga PDL kaya tinutulungan namin sila na mag kamustahan at makapag-usap inexpand din po namin ang aming electronic dalaw dahil suspended pa din po ang pagpunta sa ating mga jail facility,” aniya.
“Ganun din ang ating tele medicine with the support of DOH para matutukan ang kalagayan ng ating mga PDL,” pahayag pa ng opisyal.
Ang mga PDLs na nagpapakita ng COVID-like symptoms ay ina-isolate na agad para mamonitor ng BJMP health personnel.
Nagtatag din ang BJMP ng “Ligtas COVID-19 Centers” sa mga vulnerable facilities o mga pasilidad na higit na marami ang populasyon.
Ani Solda, kung mas severe ang symptoms ng mga PDLs, nakikipagcoordinate ang BJMP sa mga korte para madala ang mga ito sa mga hospital kung saan sila mas matututukan.
“Malaking challenge sa amin ang physical distancing lalo na sa mga congested jail facility sa mga highly urbanized area. Kaya patuloy ang pag observe namin sa mga pre cautionary measures at ang pag educate sa ating mga PDL, may mga access sila sa mga media, radio, TV at nabibigyan sila ng access to information kung paano nila poprotektahan ang sarili nila from the virus,” aniya.
“Tinututukan din po namin ang infrastructure dahil sa malaking tulong na ipinagkaloob ng National Government na almost P7-bilyon para sa pagpapatayo ng karagdagang facility, para makatulong sa decongestion. “paliwanag ni Solda. (PIA NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments