Dagdag na 1,159 jeepney sa 28 na ruta sa Metro Manila, biyahe na simula Lunes --LTFRB

LUNGSOD CALOOCAN, Set. 12 (PIA) --Maaari nang bumiyahe simula Lunes, Setyembre 14,  ang may 1,159 na traditional jeepneys sa 28 ruta sa Metro Manila matapos aprubahan ito ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Base sa Memorandum Circular 2020-046, ang mga karagdagang rutang magbubukas simula Lunes ay ang mga sumusunod:

T140 Araneta University - Victoneta Ave./McArthur

T141 SM North EDSA - Luzon Ave. (Puregold)

T142 Balintawak - PUC via Baesa

T143 BF Homes - Novaliches

T144 Novaliches - Bignay

T145 Novaliches - Pangarap Village via Quirino Highway, Novaliches

T146 Novaliches - Shelterville via Congressional

T147 - Novaliches - Urduja

T148 Novaliches Town Proper - Barangay Deparo

T149 Grotto, San Jose Del Monte, Bulacan - Novaliches

T240 Aurora/Lauan - EDSA North Ave.

T241 Cubao - Proj. 2&3 via 20th Ave., P. Tuazon

T242 Calumpang - LRT 2 (Katipunan Ave.) via Aurora Blvd.

T340 Bel-Air - Washington

T341 Brgy. North Bay Boulevard - Pier South via Road 10

T342 Divisoria - Pier South via Delpan

T343 Kalentong/Romualdez - San Juan Via Little B

T344 Kayamanan C - Washington

T345 L. Guinto - Zobel Roxas via Paco Market

T346 Pier South - San Andres

T347 Blumentritt - Libertad via Quiapo,Mabini

T348 Blumentritt - Pier South via Sta. Cruz

T349 Brgy. Bagong Silangan - Marcos Ave. Sampaguita

T350 Dapitan - Delos Reyes/P. Campa via Andalucia/Laong Laan

T351 Kamuning - Vito Cruz via E. Rodriguez, A. Mabini

T409 Alabang - Muntinlupa (Bilibid Prison)

T409 Alabang - Muntinlupa (Bilibid Prison) via Katarungan Village

T410 Alabang - Bagumbayan via Bicutan FTI SSH Loop

Maaaring mag-operate ang mga roadworthy traditional PUJs na mayroong valid Personal Passenger Insurance Policy sa mga rutang ito ng walang SPECIAL PERMIT. Kapalit ng special permit ay ang QR Code na ibibigay sa bawat operator bago pumasada. Ang QR Code ay dapat naka-print sa short bond paper at naka-display sa PUJ unit. Maaari i-download ang QR Code mula sa website ng LTFRB (www.ltfrb.gov.ph) simula bukas, 13 Setyembre 2020.

Pinapaalala naman ng ahensya na walang taas-pasahe na ipatutupad maliban na lang kung opisyal na inilahad at inaprubahan ng LTFRB.

Kabilang din sa mga requirements para mag-operate ang Traditional PUJs ay ang pagsunod sa safety measures alinsunod sa mga alintuntunin ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) tulad ng pagsusuri sa body temperature, pagsusuot ng face mask/shield at gloves sa lahat ng oras, at ang mahigpit na pagpapatupad ng physical distancing sa loob ng mga sasakyan.

Samantala, narito ang kabuuang bilang ng mga public utility vehicles na pinayagang mag-operate ng LTFRB sa Metro Manila simula ika-1 ng Hunyo 2020:

TRADITIONAL PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)

Bilang ng mga rutang nabuksan: 206

Bilang ng mga awtorisadong units: 17,372

MODERN PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)

Bilang ng mga rutang nabuksan: 45

Bilang ng mga awtorisadong units: 786

PUBLIC UTILITY BUS (PUB)

Bilang ng mga rutang nabuksan: 32

Bilang ng mga awtorisadong units: 3,854

POINT-TO-POINT BUS (P2P)

Bilang ng mga rutang nabuksan: 34

Bilang ng mga awtorisadong units: 387

UV EXPRESS

Bilang ng mga rutang nabuksan: 59

Bilang ng mga awtorisadong units: 1,905

TAXI

Bilang ng mga awtorisadong units: 20,891

TRANSPORT NETWORK VEHICLES SERVICES (TNVS)

Bilang ng mga awtorisadong units: 23,968

(LTFRB/PIA-NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments