Manila Cathedral, bukas na sa publiko simula Setyembre 16

Manila Cathedral (Photo credit:travelguidance.blogspot.com)

LUNGSOD CALOOCAN, Set. 16 (PIA) - - Bukas na ang Manila Cathedral para sa mula ngayong Miyerkoles (Setyembre 16) pagkatapos na isara ito ng anim na buwan dahil sa ipinatutupad na community quarantine sa Metro Manila upang maiwasan ang transmisyon ng COVID-19.

Ang pagbubukas ay inihayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa kanilang website noong Lunes, Setyembre 14.

Ayon sa CBCP, niluwagan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID ang restriksyon sa mga simbahan o lugar ng pagsamba kaya’t muling binuksan na sa publiko ang Cathedral.

Ayon sa IATF, ang mga simbahan sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ay maaari nang magpapasok ng 10% ng kapasidad nito.

Batay sa bilang ng mga upuan sa loob ng minor basilica, sinabi ni Fr. Kali Pietre Llamado, Vice Rector ng Manila Cathedral, na 800 katao ang kapasidad ng Cathedral kaya 80 lamang ang maaaring papasukin bawat misa ang maaaring papasukin. Pagbabatayan naman ng mga papasukin ang “first come, first served basis.

Aniya pa, kapag Linggo, kung saan marami ang nagsisimba, maaaring sa Plaza Roma makinig ang mga tao ng misa. Magsasagawa na rin doon ng komunyon.

Samantala, lahat ng misa na gagawin sa Manila Cathedral ay ilalabas live sa Facebook page at YouTube channel ng Manila Cathedral.

Ang iskedyul naman ng mga misa ay 7:30 n.u. at 12:10 ng tanghali mula Lunes hanggang Biyernes. Kapag araw ng Sabado , 7:30 n.u., Linggo , 8:00 n.u., 10:00 n.u., at ala 6:00 ng hapon.

Bukas naman ang simbahan sa mga pribadong pagdarasal araw araw mula alas otso hanggang alas 11:30 n.u at ala 1:00 hanggang ala 5:00 ng hapon.

Pinaaalalahanan naman ang publiko na papasukin lamang sa Cathedral ang may suot na face mask at face shield. (CBCP/PIA-NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments