Mga supplier sa Makati, hinimok na magpa-accredit para mapasigla ang local economy

LUNGSOD CALOOCAN, Sept. 20 (PIA) -- Hinihikayat ni Mayor Abby Binay ang mga supplier ng goods at services sa Lungsod Makati na magparehistro sa Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng lokal na pamahalaan para makinabang sila sa mga benepisyong hatid ng kanyang administrasyon.

Aniya, maaari na silang magregister online sa www.proudmakatizen.com at maging lehitimong “MASB Merchants” upang makatulong din sa pagpapasigla ng lokal na ekonomiya.

Kabilang sa mga benepisyong makukuha nila ay ang Makati Assistance and Support for Businesses o MASB Program na nagbibigay ng hanggang P100,000 na cash grant.

Kapag naging registered merchant, makakasama rin sila sa mga promotion at marketing ng lungsod para dumami ang kanilang mga customer.

Makakasama rin sila sa listahan ng supplier na maaaring pagkunan ng goods and services ng iba pang mga nag-apply sa cash grant.

Sa Maka-Tindahan e-commerce portal naman, makakakuha ang MASB merchants ng special rates at discounts. At dahil kasama sila sa database ng accredited merchants sa lungsod, awtomatiko na rin silang kasali sa lahat ng mga programa at inisyatibang laan sa pagpapayabong ng kalakalan sa Makati. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments