LUNGSOD CALOOCAN, Okt. 1 (PIA) -- Ang pagkakaloob ng mandatory one-time, 60 days grace period ay sakop lahat ng BSP-supervised banks at financial institutions, alinsunod sa Bayanihan to Recover As One Act o Bayanihan 2, ayon kay Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno.
“Ang batas na ito, Bayanihan II ay self-executory kaya lang maraming mga tanong na natatanggap ang BSP kaya minabuti naming mag issue ng memorandum para naman mas madali itong maimplement,” pahayag ni Diokno, sa Laging Handa public briefing, Miyerkules, hinggil sa nakapaloob na economic stimulus package ng batas.
Aniya, ang coverage nitong memo ay ang lahat ng BSP-supervised financial institutions kasama na dito ang mga banko, quasi banks, non-stock savings and loan associations, credit card issuers, trust department corporations, mga pawnshops and other credit granting entities under the supervision.
Sinabi din ni Diokno na ito ay bago (batas), dahil sa unang Bayanihan ay mayroong 30-day na palugit or grace period na inextend din ng karagdagang 30 days.
"Ito ay magiging “one-time mandatory, non extendable grace period” na kung saan ang lahat ng mga loans with principal and interest including amortizations na dapat bayaran between 15th of September hanggang 31 ng December 2020 ay dapat walang interest on interest at penalties, fees or other charges dahil ito ay nakasaad sa batas," paliwanang ng opisyal.
“Hindi na ito kailangang i-apply at ito ay applicable sa lahat ng klase ng loans (ng aming supervised financial institutions) automatic na ito at hindi na kailangang sila ay mag-apply. This is already applicable to them without applying," dagdag pa ni Diokno. (PIA NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments