LUNGSOD NG ILAGAN, Isabela, Setyembre 3 (PIA) - Nagpalabas ng kautusan ang Pamahalaang Lungsod ng Cauayan na mananatiling isailalim sa Enhanced Community Quarantine o calibrated lockdown ang Purok 5, Villa Concepcion sa lungsod mula Setyembre 3, 2020 hanggang Setymebre 17, 2020.
Ang kautusan ay inilabas ni Punong Lungsod Bernard Faustino para mabigyan ng pagkakataon na magsagawa ng pagpapatuloy na mandatory quarantine ng mga nagpositibo ng COVID-19 na naitala noong isang linggo matapos makasalamuha si CV674 at ang lahat ng mga positibong kasong ito ay mga residente ng Purok 5, Barangay Villa Concepcion.
Matatandaan na unang iniutos ni Punong Lungsod Bernard Faustino Dy ang Enhanced Community Quarantine mula Agosto 27, 2020 hanggang Setyembre 3, 2020 upang maiwasan pa ang pagdami ng COVID-19 positive sa nasabing barangay.
Dahil sa naitalang local transmission sa nasabing lugar ay inilabas nga ni Mayor Dy ang nasabing kautusan upang maiwasan pa ang pagdami ng COVID-19 positive sa nasabing lugar.
Matatandaang naitala ng City Health Office ng lungsod ang anim na residente ng nasabing pasyente ang anim pang residente sa Purok 5 ng nasabing barangay at ang calibrated lockdown ay ipapatupad para maiwasan pa ang pagdami ng COVID - 19.
Inatasan nito ang mga pulis at barangay official ng nasabing barangay para maipatupad ang calibrated lockdown. (MDCT/MGE/PIA 2-Isabela)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments