Suportang pangkabuhayan sa may mga kapansanan, isinagawa  ng DSWD-NCR 

Photos courtesy of DSWD NCR FB.

LUNGSOD PASIG, Set. 9 (PIA) -- Isinasagawa ngayon ng Department of Social Welfare and Development-National Capital Region (DSWD NCR) Rehabilitation Sheltered Workshop (RSW) ang "Tiangge Market" na may temang, “Kaagapay sa Panahon ng Pandemya, Pangkabuhayang Hatid para sa mga may Kapansanan.” 

Ayon sa DSWD-NCR ang tiangge market, na nagbibigay suporta sa mga persons with disability o PWDs, ay gagawin tuwing Martes at Huwebes, alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon (8:00 a.m. – 5:00 p.m.) sa RSW Compound J.P. Burgos Street, Escopa III, Project 4, Quezon City.

 Layon din nito na bigyang pagkakakitaan ang mga PWDs ngayong panahon ng pandemya, gayundin ang bigyang pagkakataon ang mga mamimili sa mga mura subalit dekalidad na mga produkto.

Para sa ibang impormasyon tumawag lamang sa mga numerong ito: 8962-0149 o 0961-718-6198, maaari din magpadala ng mensahe sa email at Facebook page na ito: www.rsw_ncr@yahoo.com, https://www.facebook.com/person.dswd

Samantala, ipinapaalala ng DSWD NCR ang pagobserba ng physical distancing at ang pagsusuot ng face shield at face mask sa tuwing papasok sa loob ng RSW Tiangge Market. (PIA-NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments