Tagalog News: 4 LSI sa Calatrava, nahawa sa COVID-19

Ang apat na nagpositibo sa COVID-19 ay kasalukuyang nasa isolation facility at nananatiling mga asymptomatic o hindi naman nagpapakita ng mga sintomas ng COVID-19. (PIA-Romblon File Photo)

ODIONGAN, Romblon, Setyembre 17 (PIA) -- Malungkot na ibinalita ni Dr. Renato Menrige Jr., Municipal Health Office ng bayan ng Calatrava, na apat na close-contact ng unang covid-19 patient ng bayan ang nagpositibo rin sa nasabing virus matapos lumabas ang resulta ng kanilang reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) noong Linggo.

Ayon kay Dr. Menrije, ang mga nagpositibo ay isang lalaki na 22 taong gulang, isang lalaki na 29 taong gulang, isang babae na 23 taong gulang, at isang babae na 26 taong gulang. Sila ay pawang mga locally stranded individuals (LSI) na nakasabay ng unang COVID-19 patient ng bayan.

Dumating sila sa Calatrava sakay ng Starhorse Shipping Lines noong September 1.

Ang apat ay kasalukuyang nasa isolation facility at kasalukuyang mga asymptomatic o hindi naman nagpapakita ng mga sintomas ng COVID-19.

Sa kasalukuyan, may walong active case ng COVID-19 ang probinsya ng Romblon.

Paalala ng Municipal Health Office ng Calatrava sa publiko na tandaan ang pagpapalakas ng immune system, pagpapanatili ng physical distancing, tamang paghugas ng kamay at pag suot ng face mask ang pinakamabisang paraan upang malabanan ang kasalukuyang pandemya. (PJF/PIA-Mimaropa)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments