LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, Setyembre 4 (PIA)-- Inihayag ni Provincial Statistics Officer Airene Pucyutan na sinimulan na ng kanilang tanggapan ang 2020 Census of Population and Housing sa lalawigan ng Quezon noong Martes, Setyembre 1.
Sa idinaos na press conference (via zoom) sa tanggapan ng Philippine Statistics Office- Quezon sa lungsod na ito noong Setyembre 1, sinabi ni Pucyuyan na nag-hired sila ng mga enumerators, clerks at mga supervisors para maisagawa ang census sa lalawigan ng Quezon.
"Nanawagan po ang inyong lingkod sa ating mga residente ng lalawigan ng Quezon na makiisa sa census na ito upang maging matagumpay sa pamamagitan ng pagsagot ng tama sa mga katanungan ng mga enumerators na pupunta sa inyong mga bahay," sabi pa ni Pucyutan
Ayon pa kay Pucyutan, ang mga makakalap na impormasyon sa survey ay magagamit ng pamahalaan sa paggawa ng mga tamang polisiya at maging sa ibang mga programa ng pamahalaan para sa pagresolba ng mga problema gayundin sa mga research at academic information ng mga mag-aaral.
"Ang Census of Population and Housing na ginagawa ng PSA kada 10 taon ay alinsunod sa R.A 10173," sabi pa ni PSO Pucyutan
Samantala, siniguro din ng PSA-Quezon na tatalima sila sa health and safety protocols ng pamahalaan upang maging ligtas sa corona virus disease ang mga enumerators sa pamamagitan ng pagsusuot ng facemask at faceshield sa pagsasagawa ng survey.
Samantala, nanawagan din si Quezon Governor Danilo Suarez sa mga Quezonian na makiisa sa census na isinasagawa ngayong buwan ng Setyembre ng PSA sa lalawigan ng Quezon upang matulungan ang pamahalaan sa paggawa ng mga polisiya. (Ruel Orinday-PIA-Quezon)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments