Tagalog News: Pagpapaliban ng market rental fee ng mga non-essential products, aprobado ng SP Batangas City  

LUNGSOD NG BATANGAS, Oktubre 1 (PIA) --Aprubado na ng Sangguniang Panglungsod ng Batangas ang Ordinance No. 28 Series 2020 na may titulong “An Ordinance Waiving the Market Rental Fees of Stall Holders Engaged in the Business of Selling Non-essential Products in the Public Market from September 1 to December 31.
 
Isinasaad ng naturang ordinansa na walang babayarang renta ang mga magtitinda sa Market 1, 2 at 3 partikular yaong mga paninda ay non-essential tulad ng nasa party needs section, souvenirs, toys, clothing, sapatos, glassware, native products at iba pa simula Setyembre hanggang Disyembre ng taong ito.
 
Maging ang mga may-ari ng stall na senior citizens ay hindi din pagbabayarin sa dahilang hindi sila nakakabukas ng kanilang tindahan sa buong panahon ng community quarantine dahilan sa ipinagbabawal ito alinsunod sa kautusan ng Inter-Agency Task Force.
 
Ang ordinansa ay naglalayong mabawasan ang alalahanin at gumaan ang bayarin ng mga stall holders na naapektuhan ng pandemya.
 
Ito ay iniakda nina Councilor Alyssa Cruz, Councilor Gerry Dela Roca at Coun. Oliver Macatangay sa kahilingan pa rin ni Mayor Beverley Rose Abaya Dimacuha. (Bhaby P. De Castro-PIA Batangas with reports from PIO Batangas City)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments