Tagalog News: PNP nagkaloob ng ayuda sa Badjao community sa Batangas City

LUNGSOD NG BATANGAS, Set 3 (PIA) --May 215 pamilya mula sa Badjao community sa lungsod na ito ang tumanggap ng ayuda mula sa Philippine National Police(PNP) sa Brgy. Malitam noong ika-24 ng Agosto, 2020.
 
Ang aktibidad ay bahagi ng “Adopt a Community, Police Calabarzon Kaagapay Ko” program  na isinusulong ng Calabarzon PNP.
 
Pinangunahan ni PRO4A PBGen Vicente Danao Jr. ang pamamahagi ng bigas, canned goods, noodles at tinapay  sa mga pamilyang nakatira sa nabanggit na barangay.
 
Sa mensahe ni Danao, sinabi nito na layunin ng programang makapagbigay ng tulong ayuda sa mga pamilyang itinuturing na “poorest of the poor” at walang kakahayan upang masustinahan ang pangangailangang pang-araw araw lalo na ngayong panahon ng pandemya.
 
“Ang mga pondong ginamit para sa naturang programa ay mula sa donasyon ng mga stakeholders at pinagsama samang ipon mula sa suweldo ng mga pulis dahil alam namin kung gaano kahirap ang sitwasyon ngayon lalo at nahaharap tayong lahat sa pandemya. Hindi natin alam kung hanggang kailan ito kayat sa munting pamamaraan ay ito ang maaaring maibahagi ng kapulisan sa ating mga kababayan”, ani Danao.
 
Bukod sa isinasagawang mga checkpoints, ang mga kapulisan ay katuwang din ng lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng impormasyon upang makaiwas ang publiko sa pinsalang dulot ng Covid-19. Patuloy din ang kanilang kampanya kontra kriminalidad at paghikayat sa mga tao na sumunod sa ipinatutupad ng batas.(BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS with report from PIO Batangas City)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments