13.9 million pamilya na benepisyaryo ng SAP, nakatanggap na ng ayuda

ODIONGAN, Romblon, Okt. 30 (PIA) -- Aabot na sa 13.5 million na pamilya sa bansa na benepisyaryo ng social amelioration program o SAP ang nakatanggap na ng kanilang ayuda para sa second tranche ng programa.

Sa Network Briefing News ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Andanar nitong October 29, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Roland Bautista na ang nabanggit na bilang ay 90 porsiyento na ng kanilang target na mga benepisyaryo sa bansa.

"Mahigit na sa P83.5 billion ang naipamahagi ng DSWD sa pamamagitan ng manual at digital payout sa mahigit 13.5 milyon na pamilya na benepisyaryo ng SAP," ayon kay Secretary Bautista.

Kabilang sa mga benipisyaryo ng SAP ay ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps, waitlisted low-income non-4Ps families, waitlisted families sa mga lugar na nasa Enhanced Community Quarantine, at mga driver ng Transport Network Vehicle Service-Public Utility Vehicles o TNVS-PUV.

Nagpapatuloy naman aniya ang pakikipag-ugnyan ng mga DSWD Field offices sa mga financial service provider para ipamahagi sa lalong madaling panahon ang mga ayudang hindi pa natatanggap ng ilang benepisyaryo. (PJF/PIA-Mimaropa)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments