Consultative forum ukol sa PUV modernization, inilunsad ng Pasay LGU

 

LUNGSOD CALOOCAN, Okt. 14 (PIA) --Naglunsad ang pamhalaang lungsod Pasay ng pakikipagtalakayan sa mga transport cooperatives sa lungsod hinggil sa adhikain ng national government na i-modernize ang pampublikong transportasyon sa bansa.

Pinangunahan ito nina Mayor Emi Calito-Rubiano at Congressman Tony Calixto, kasama ang mga konsehal at iba pang mga opisyal ng pamahalaang lungsod gayundin ang Pasay Cooperative Development Office (PCDO) sa pamumuno ni Cooperative Officer Rowena Buenaventura.

Ang forum ay bahagi ng mga gawaing inihanda ng PCDO kaugnay ng pagdiriwang ng Cooperative Month ngayong Oktubre.

Ang  Consultative Forum on Modernization and Consolidation Program for Transport Cooperatives and Associations, na ginanap noong Oktubre 9, 2020 sa Pasay City West High School, ay dinaluhan ng mga jeepney drivers at operators mula sa Pasay City Transport Service Cooperative,at  Baclaran Nichols Transport Service Coop.

Dumalo din sa talakayan ang MIA Transport Service Coop, PAMBOTODA Transport Service COOP, Villamor Transport Service Coop; Pasay Cavite Transport Service Coop; Buendia Transport Service Coop, Malibay Drivers Transport Service Multi-Purpose Coop; Supermalls Metrowide Transport Service Coop at DOT-ATDA Transport Service Coop gayundin ng mga kumpanyang manufacturer ng mga modern jeepneys. (Pasay PIO/PIA-NCR)

 



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments