Mga larawan mula sa Facebook @Athan Luchero |
Ibinahagi ng isang concerned netizen ang larawan ng kanyang kapitbahay na isang amang street sweeper habang tinuturuan ang kanyang anak sa mga assignments nito para sa kanilang home schooling class.
Makikita na mga larawan na matyagang nag aaral ang mag ama sa ilalim ng liwanag na galing sa streetlight kung saan ay katabi lang din ng kanilang maliit at payak na bahay.*
Ayon sa post ng kanyang kapit bahay na si Athan Luchero, isang single parent lang ang nasabing ama, na kinilalang si Rolando Eugenio, mag isa nitong itinataguyod ang tatlong anak at sinisikap na makapag aral ang mga ito.
Sa maliit na kinikita ni mang Rolando sa pagwawalis sa kalsada, hindi nito kakayanin ang magpakabit ng kuryente o bumili man ng gadget kaya, naman matyaga nilang pinagtitiisan ang liwanag mula sa katabing poste ng ilaw.
Maging ang pagbili ng gadgets para sa mga anak nito ay imposible rin maibigay ni mang Rolando para sa mga anak.
Sa kabila nito, pangarap niya na makapag aral ang mga anak, kaya sa lahat ng paraan ay gagawin nya matulungan lang ang mga ito kaya naman kahit sa ilaw ng street light ay malaking tulong na sa mag-aama. *
Screencap photos from GMA news 24 Oras |
Dahil sa post ng kapit bahay ni mang Rolando, naantig ang puso ng mga netizens at maging ang ilang malaking news network ay binalita na din ang kalagayan ng mag-aama na nakaka inspire.
Sa panayam ng GMA News, 24 Oras kay mang Rolando, sinabi nito na sinasama nya ang mga anak sa kanyang trabaho sa araw upang doon sila gumawa ng mga aralin sa tulong ng kanyang amo gamit ang kanilang internet ng walang bayad.
"Ang ginagawa ko po sa araw, dinadala ko po sila sa may ano ko po, sa may trabaho ko, dun po sila nag-aaral online po, tinutulungan po sila ng amo ko, libre po." kwento ni mang Rolando.
"Pagdating naman po ng gabi, dito na kami, ganito na po ang sitwasyon namin." dagdag pa ng ulirang ama. *
Mga larawan mula sa Facebook @Athan Luchero |
Isang street sweeper ang nasabing ama sa Brgy. Immaculate Concepcion sa Quezon City, at isa ng biyudo ang 54 anyos na si mang Rolando matapos pumanaw ang kanyang misis dahil sa karamdaman.
Mangiyak ngiyak itong nagsabi na napakahirap ng kanilang buhay dahil sa maliit na kinikita nya sa pagwawalis ay pinagkakasya nito ang kanilang pang araw araw na pangangailan ng kanyang tatlong anak.
Dagdag pa nito, madalas pa nga ay nangungutang lang si mang Rolando para sa pang araw araw na pagkain ng mga anak nya.
Pangarap ni mang Rolando na makapagtapos sa pag aaral ang kanyang mga anak para naman sa kanilang kinabukasan ay hindi sila dumanas ng kahirapan kagaya ng pinagdadaanan nya ngayon na hindi nakapag tapos ng pag aaral.
Kaya naman buong pagsisikap ang ginagawa ni tatay Rolando upang matustusan ang pangangailangan ng mga anak, at nakakatuwa din malaman na masisispag at pursigido ang mga ito sa kanilang pag aaral. *
Screencap photos from GMA news 24 Oras |
Ani ng panganay ni tatay Rolando, lumalabas daw sila ng kanilang bahay upang mag aral at magsulat at sa tuwing isasara na ang pinto ng kanilang bahay ay sa loob na lamang sila nag aaral gamit ang kandila.
Labis na humanga ang kanilang mga kapit bahay sa pagtyatyaga ng mag anak na ito, kaya naman na inspire ang isa sa kanila at ipinost sa social media ang larawan ng mag aama habang nag aaral sa ilalim ng liwanag ng street light.
"I was touched by my neighbor, isang amang street sweeper walang katuwang sa buhay ang nagtuturo sa kanyang anak. Nagtitiis sa ilaw lang ng street light para lang turuan ang kanyang anak sa kanyang module." pahayag ng netizen na nag upload ng larawan at syang kapit bahay ng mag amang Rolando.*
Mga larawan mula sa Facebook @Athan Luchero |
"Yes they don’t have electricity power yet they continue studying. That’s why I do believe that whatever ever your status in life is “Hindi hadlang ang kahirapan para hindi makapag tapos ng pag-aaral.” There’s no excuses to gain knowledge." dagdag pa nito.
Matapos nito ay agad nagviral ang nasabing larawan at marami ang nagbigay ng tulong mag-aamang Eugenio. Labis labis ang pasasalamat ni tatay Rolando sa mga nagpadala ng tulong sa kanila.
Maganda ang mensahe na nais iparating ng mga larawan ng mag aamang ito, na kahit naging hadlang man ang kahirapan para sa pag aaral ni Mang Rolando, hindi nya papayagang maging hadlang ito para sa kinabukasan ng kanyang mga anak.
Dahil alam nya sa puso nya, na edukasyon ang susi sa magandang kinabukasan ng isang tao at hindi dapat maging hadlang ang kahirapan para makapag tapos ng pag aaral. Mabuhay kayo tatay Rolando! *
Screencap photos from GMA news 24 Oras |
Source: Daily Sentry
0 Comments