Libreng bisekleta mula sa DOLE, ipinamahagi sa mga benepisyaryo ng Marikina

Marikina City Mayor Marcy Teodoro. (File photo)

PASIG, Okt. 29 (PIA) – Pinangunahan ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro ang pamamahagi ng mga bisikletang panghanapbuhay sa pamamagitan ng ‘Freebis’ mula sa Integrated Livelihood and Emergency Employment Program ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon sa pamahalaang lungsod, sa ilalim ng naturang programa, ang mga ang mga benepisaryo ay makatatanggap ng bisikleta, helmet, cellular phone na may kasamang sim card at load, insulated bag, rain coat, reflectorized vest, at iba pa.

Samantala, hinikayat naman ni Mayor Marcy ang mga benepisaryo na ingatan at gamitin nang mabuti ang mga inihandog na gamit sa paghahanapbuhay.

Ang proyektong ‘Freebis’ o Free Bisikleta ay naglalayong makapagbigay ng livelihood opportunities sa mga manggagawa na lubos na naapektuhan ng pandemya. (Marikina PIO/PIA-NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments