Malawakang pagbabakuna sa Rubella, Polio, at Tigdas, nagsimula na sa Quirino

CABARROGUIS, Quirino, Oktubre 26 (PIA)— Inilunsad noong Oktubre 23 ang Pagbabakuna Kontra Rubella, Polio at Tigdas na isasagawa sa anim na bayan dito simula ngayong araw hanggang Nobyembre 25, 2020

Ang nasabing aktibidad na may temang “Chikiting Ligtas sa Dagdag Bakuna Kontra Rubella, Polio at Tigdas,” ay isasagawa ng Provincial Health Office sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross-Quirino Chapter.

Ayon kay Gerald, Miguel, OPV-MR coordinator, matagal na waling naitalang kaso ng measles at polio sa lalawigan ngunit bumalik ang mga sakit na ito noong nakaraang taon kung kaya’t upang maagapan ay inilunsad ng Department of Health ang nasabing malawakang pagbabakuna kontra polio sa mga batang may edad 0-59 months at Tigdas at Rubella naman para sa 1 may edad 9-59 months.

Dagdag ni Miguel, target nilang makabakuna ng may 21,192 na bata para sa OPV at 18,192 na bata naman sa Measles at Rubella.

“Nagkaroon na po kami ng orientation sa ating mga partner sa RHUs sa mga istratehiyang gagamitin. Ang inirekomenda po ng DOH ay magkakaroon ng fixed post o temporary post sa mga barangay, ani Miguel.

Ayon pa kay Miguel pag fixed post ang gagamiting istratehiya ay sa mga RHUs o health centers gaganapin at kung temporary post naman ay sa mag paaralan, reading centers o gymnasium magaganap ang pagbabakuna.

“Ang Measles, Rubella at Polio ay magkakaibang bakunang tumutugon sa magkakaibang sakit ngunit maaari po itong maibigay nang minsanan sa bata na wala namng adverse effect or kung maryroon man, mga minor lang gaya ng pagkakaroon ng lagnat,” paliwanag ni Miguel.

Ayon naman kay PRC Chapter Administrator Ofelia Mariano, magiging katuwang ang PRC sa health education at mobilization ng mga volunteer na tutulong sa mag professional health worker mula sa DOH na naatasang magbakuna.Paano po isasagawa itong activity na ito.

“Habang isinasagawa po ng ating MR-OPV supplemental immunization, lahat po ng mga basic standard protocol will be strictly observed. So, magiging safe po yung ating mga magulang at ang mga bata,” paniguro ni Mariano. (MDCT/TCB/PIA 2-Quirino)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments