Mga nakapasa sa Makati City College Scholarship Program inilabas na

LUNGSOD CALOOCAN, Okt. 17 (PIA) -- Inilabas ngayong araw ng Education Department ng Lungsod ng Makati ang talaan ng Makatizen college students na nakapasa at natanggap sa bagong Makati City College Education Scholarship Program.

Sa isang post sa My Makati Facebook page, sinabi nito na mula sa 130 na nag-apply, 36 ang nakapasok sa pinakaunang batch ng scholars sa naturang programa.

“Kabilang dito ang tatlong kwalipikado sa Specialized Course Scholarship na mabibigyan ng tig-P80,000 pondo bawat taon,” ayon sa Division of City Schools-Makati.

“Anim naman ang nasa ilalim ng DOST Priority Course Scholarship na makakatanggap ng tig-P40,000 kada taon,” dagdag pa nito.

Bukod pa rito, sa State University Scholarship, 27 scholars ang makakatanggap ng P20,000 bawat isa kada taon. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments