Mga ordinansang tugon upang maibsan ang hirap sa pandemya, ipinatutupad sa Marikina 

                   Alkalde ng Marikina, Marcelino Teodoro (naka itim na jacket) FILE PHOTO

LUNGSOD PASIG, Okt. 22 (PIA) –-Nagpatupad ang Pamahalaang Lungsod ng Marikina ng tatlong (3) ordinansa na makatutulong sa mga mamamayan nito na maibsan ang nararanasang hirap pangkabuhayan bunsod ng pandemya.

Isa ang Ordinansa Bilang 134, s. 2020, na nagbibigay ng  tax amnesty, at walang multa o interes na ipapataw sa mga business tax na hindi nabayaran sa mga nakalipas na taon. 

Ipinatutupad din ng pamahalaang lungsod ang Ordinansa Bilang 137, s. 2020, na nagbibigay ng amnestiya para sa amilyar o real property tax  na hindi nabayaran sa mga nakalipas na taon, at hindi na kailangan bayaran ang multa at interes, sakaling ito'y bayaran ngayon taon.

Kasama dito ang nauna nang ipinalabas ang Ordinansa Bilang 009, s. 2020, o Tax Discount kung saan 20 porsiyento (20%) discount ang ibibigay para sa maaga at buong pagbabayad ng amilyar o real property tax para sa taong 2021.

Upang ma-avail ang tulong sa buwis, magbayad nang hindi lalagpas sa Disyembre 31, 2020. (Marikina PIO/PIA-NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments