Santa Praxedes, tanging bayan sa Cagayan na COVID-19-free

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Oktubre 28 (PIA) - - - Tanging ang bayan na lamang ng Santa Praxedes dito sa Cagayan ang COVID-19-free, ayon sa pinakahuling datos ng Kagawaran ng Kalusugan ngayong araw.

Simula noong nagkaroon ng pandemiya sa lalawigan sa loob ng mahigit pitong buwan ay wala pang naitatalang positibong kaso ng COVID-19 mula sa Santa Praxedes.

Matatandaan na ipinag-utos agad ni Mayor Esterlina Ancheta Aguinaldo ang pagkakaroon ng checkpoint Taskforce COVID-19 sa naturang bayan upang masiguro na walang makakapasok na carrier ng virus.

Patuloy naman ang pamamahagi ng lokal na pamahalaan ng mga relief good sa mga barangay na napondohan sa ilalim ng Bayanihan Grants to Cities and Municipalities (BGCM).

Noong Hulyo ay nagsagawa rin ng training para sa tamang pagsusuot ng Personal Protective Equipment (PPE) suits na gagamitin ng mga frontliner upang masigurong ligtas sila sa COVID-19 habang nasa kanilang trabaho.

Marso 21 noong unang nakapagtala ng kaso ang rehiyon sa katauhan ni PH275. (MDCT/PIA-2)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments