Tagalog News: Torrijos isinailalim sa state of calamity

TORRIJOS, Marinduque, Okt. 30 (PIA) -- Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Torrijos makaraang hagupitin ng mapaminsalang bagyong Quinta.

Naipasa na ng Sangguniang Pambayan ang resolusyon kung saan maaaring magamit ng lokal na pamahalaan ang 30 porsiyento mula sa limang porsiyento ng calamity fund ng munisipyo para sa disaster response and recovery activities.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) umabot sa 266 pamilya o may kabuuang 1,063 ang mga indibwal na inilikas sa mga evacuation center mula sa 25 barangay na naapektuhan ng bagyo.

Samantala, sa inisyal na ulat ng MDRRMO, 25 porsiyento ng mga mamamayan sa nabanggit na bayan ang nangangailangan ng kagyat na tulong habang 40 porsiyento naman ang pinsalang naitala sa sektor ng agrikultura at pangisdaan.

Matatandaan na nag-landfall ang bagyong Quinta sa bayan ng Torrijos pasado ala-1:20 ng madaling araw noong Oktubre 26. (RAMJR/PIA-MIMAROPA)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments