Voter registration sa Okt. 31, suspendido -COMELEC

LUNGSOD QUEZON, Oct. 22 (PIA) -- Pansamantalang sinuspinde ng Commission on Elections (Comelec) ang proseso ng voter registration sa Oct. 31 sa mga tanggapan nito.

Sa abiso nito sa Facebook, sinabi ng Comelec na ito ay bilang paggunita sa All Saints’ at All Souls’ Day sa Nov. 1 at 2.

Isasara sa nasabing petsa ang lahat ng tanggapan ng Election Officer sa bansa.

Ayon pa sa Comelec, wala na ring voter registration sa Nov. 2 na papatak sa araw ng Lunes.

Magbubukas namang muli ang tanggapan para sa voter registration sa Nov. 3, araw ng Martes.

Bukod dito, naglabas din ng abiso ang Comelec na simula sa Nov. 9 ay gagawin na lamang mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 a.m. to 3:00 p.m. ang pagpaparehistro. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments