4 na barangay sa Malabon, COVID-free na

LUNGSOD CALOOCAN, Nov. 4 (PIA) -- Masayang ibinalita ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon na apat sa 21 barangay nito ang COVID-free na.

Sa ulat ng Radyo Pilipinas 738 kHz, base sa Malabon City Health Department, COVID-free na ang Barangay, Acacia, Bayan-Bayanan, Ibaba, at San Agustin.

Samantala, bumaba na sa 82 ang kabuuang bilang ng COVID-19 active cases sa lungsod matapos makapagtala ng 14 na panibagong kaso at 46 na gumaling kahapon.

Karamihan sa mga pasyenteng gumaling ay residente ng Brgy. Catmon, Santulan, at Tugatog.

Sa kabuuan, 5,627 na ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso sa Malabon, kung saan 5,332 dito ay gumaling na 213 naman ang nasawi. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments