Photo credit to the owner |
Niloko, ipinagpalit, sinaktan at iniwan. Ilan lang ‘yan sa mga nararanasan ng mga kababaihan dahil sa pagkakaroon ng taksil na asawa o karelasyon.
Dahil dito, naglabas ng desisyon ang Supreme Court na pwede nang makasuhan at makulong ang mga lalaking nangangaliwa kapag nagdulot ito ng emotional suffering at mental trauma sa isang babaeng niloko. Sa ilalim ng batas na ito, pati ang mga hindi pa mag-asawa ay maaari ring makasuhan.
Paliwanag ni Atty Gaby Concepcion sa programang Unang Hirit, matagal na diumano ang batas na ito at hindi naman nabago, ngunit ngayon nga ay nadagdagan na at mas pinaigting ang batas para sa mga kaso tulad ng pangingibang bahay ni mister.
Atty. Gaby Concepcion | Photo credit to GMA Public Affairs
|
Sa dating Revised Penal Code, pinarurusahan ang concubinage o pagsasama sa iisang bahay ng lalaking may asawa at ng kanyang kabit kung talagang mapapatunayan ito. Ngunit kung si mister ay patagong binabahay ang kanyang kirida at walang patunay na nagsasama sila sa iisang bubong, ay hindi maaaring makasuhan at walang legal case.
Ngunit dahil sa nabago na at naamendahan na ang Revised Penal Code na ito, nagkaroon ng batas para sa Anti-Violence Against Women and Children o Republic Act No. 9262, kung saan ang pinaparusahan ay ang 'Psychological violence ' o 'emotional effect' sa mga babae dulot ng pangangaliwa ng kanilang mga asawa.
Photo credit to the owner |
At dahil nga umabot na ito at naaprubahan na sa Korte Suprema ay maaari nang makulong ang isang lalaki kung mapapatunayang naging sanhi ng paghihirap ng kanyang asawa ang kanyang pangangaliwa.
At para masabing guilty sa kasong ito ang isang lalaki ay isang 'direct testimony' lamang ang kinakailangan galing sa asawang babae at syempre ang opinyon at testimonya galing sa isang eksperto tulad ng Psychologist na nagsasabing ang panloloko ng kanyang asawa ang naging dahilan ng kanyang 'emotional breakdown', 'depression' at 'hospital confinement'.
Hindi rin diumano sapat na dahilan ang financial assistance para maabswelto ang isang lalaki sa kanyang pangangaliwa.
Kaya paalala ni Atty. Gaby sa mga kalalakihan, maging maingat sa mga desisyon, dahil hindi na tayo tulad ng dati na matagal makasuhan ang mga lalakeng babae at manloloko, dahil nagbabago din ang pananaw ng lipunan at Korte Suprema sa mga kasong tulad nito. Ika nga, "You're happy days are over now."
Source: GMA Public Affairs
Source: Daily Sentry
0 Comments