Balay Silangan sa Parañaque, bukas na!

Pinangunahan ni Parañaque City District I Congressman Eric Olivarez  (gitna) ang pormal na pagbubukas ng kauna-unahan Balay Silangan sa lungsod. (Larawan mula sa FB Page ni Mayor Edwin Olivarez)

LUNGSOD NG PARAÑAQUE, Nob. 20 (PIA) – Kasabay ng selebrasyon ng Drug Abuse Prevention and Control Week (Nob. 15-21), pormal nang binuksan ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ang pinaka-unang ‘Balay Silangan’ sa lungsod nitong Biyernes, Nobyembre 20, 2020.

Pinangunahan ni Parañaque City District I Congressman Eric Olivarez ang inagurasyon at pagbabasbas ng magiging pansamantalang tuluyan o halfway house ng mga indibidwal na nalulong sa ipinagbabawal na gamot habang sila’y sumasailalim ng rehabilitasyon.

Ayon kay Olivarez, ang proyekto ng lokal na pamahalaan ay naglalayon na bigyang parkakataon na makapag bagong buhay at matulungan sa rehabilitasyon ang mga taong gumamit o lulong sa droga at mabigyan sila ng pagkakataong makapag bagong buhay.

“Ang 'Balay Silangan' ang magiging pansamantalang tuluyan ng drug users na boluntaryong sumurender. Atin pong tutulungan sila na mareporma hanggang sa makabalik sila sa kanilang komunidad,” pahayag ni Olivarez.

Kasalukuyan, 14 sa 16 barangays sa lungsod ng Parañaque ang naideklarang ‘drug’free’.

Umaasa ang kongresista na sa tulong ng kampanya ng pamahalaan kontra droga ay magiging ‘drug-free’ din ang Barangay La Huerta at Tambo.

Sa loob ng Balay Silangan, maaaring hasain ng mga nanunuluyan sa iba’t ibang interes dahil mayroon itong sports at recreational area, at classroom,at library. (PIA-NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments