LUNGSOD CALOOCAN, Nob. 7 (PIA) -- Namahagi ng ayuda sa mga jeepney driver sina Senator Christopher "Bong" Go, kasama sina Caloocan Mayor Oscar "Oca" Malapitan at First District Representative Dale "Along" Malapitan.
Ang 600 na jeepney drivers na kabilang sa 18 Jeepney Operators and Drivers Association (JODA) ay tumanggap ng food packs, face shield at face mask.
Nakatakda rin silang bigyan ng financial assistance sa tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nagbigay rin ng donasyong 25 bisikleta at 25 tablet si Go para sa mga piling jeepney drivers.
Muli namang nagpasalamat ang mag-amang Malapitan sa senador para tulong nito sa Lungsod Caloocan.
Ayon kay Go, mahalaga ang bayanihan at pagtutulungan ng mga Pilipino ngayong panahon ng pandemya at sa kabila ng mga hinaharap na hamon ng bansa.
Magugunitang naunang nagpasinaya si Go sa bagong Malasakit Center na itinatag sa Tala Hospital. (PIA NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments