Lalaki, walang takot na nagkakape sa gitna ng rumaragasang bagyo

Litrato mula sa Facebook


Tumama ang bagyong Rolly sa Pilipinas bilang isang "super typhoon" nitong madaling araw ng Linggo sa Bicol region.


Ito ay unang nag-landfall nitong Linggo  — na itinuturing na pinakamalakas na bagyo sa buong mundo — sa Bato, Catanduanes saka nag-landfall sa Tiwi, Albay.



Patunay ng bagsik ng bagyo ang mga video ng malalakas na hangin na tila sumisipol at humahambalos, at pagkaanod ng malalaking bato, buhangin, at lahar.


Libo-libong residente rin ang inilikas at nananatili ngayon sa mga evacuation center, at nawalan din ng kuryente sa maraming lugar sa rehiyon.


Sa lakas ng hangin, bumagsak ang kisame ng isang silid ng paaralan kung saan may ilang inilikas na residente pero wala namang nasaktan.


Nalubog din sa buhangin at malalaking bato ang ilang mga tindahan.



Ngunit sa di inaasahang pangyayari, may isang lalaki ang namataang nagkakape sa gitna ng rumaragasang bagyo.





Kitang-kita sa video na sa kabila ng malakas na hangin at ulan, ay patuloy sa paghigop ng kape ang hindi pa nakikilang lalaki.






Nakaupo ito sa isang sofa, hawak ang isang mug na baso na pinaniniwalaang kape ang laman.




Makikita rin sa video na walang takot ang lalaking ito sa mga maaring mabuwal na puno dulot ng malakas na hangin.


Marami ang natuwang mga netizens pero may mga ilan ding nag-alala sa kaligtasan ng lalaki.



Panoorin ang video dito:



Source: Daily Sentry

Post a Comment

0 Comments