LUNGSOD CALOOCAN, Nob. 4 (PIA) -- Upang mapabilis at maging abot-kamay ang serbisyo ng Pamahalaang Lungsod ng Makati, lumikha ito ng isang makabagong sistema para sa daloy ng komunikasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan at mga residente nito.
Ayon kay Mayor Abby Binay, sa pamamagitan ng Makatizen App ay mas mabilis na naiaabot ang serbisyo at agaran ang pagsagot sa mga pangangailangan ng mga residente, bisita o turista, mag-aaral, nagtatrabaho, at nagnenegosyo sa Makati.
"Kung may sakuna tulad ng baha o sunog, agad na gamitin ang Makatizen App at pindutin ang SOS," paliwanang ni Binay hinggil sa emergency button ng naturang app.
"Maaari ring i-report ang mga medical emergency, krimen, aksidente at mga isyu sa barangay tulad ng illegal parked vehicles, sidewalk vendors, informal settlers, stray animals, waste management concerns, construction issues, at mga sirang kalsada at baradong kanal," dagdag pa niya.
Hinihikayat din ng alkalde ang mga Makatizen na i-download ang Makatizen App sa Google Play Store at Apple App Store users para maging updated sa mga kaganapan sa lungsod. (PIA NCR)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments