Photo credit to GMA News and Sugarbook website |
Dahil sa kahirapan, marami na nga raw ang kumakapit sa patalim. Isa na dito ay ang pagbebenta ng katawan para sa ikabubuhay ng sarili at pamilya. Labag man sa kalooban ay sinasabing wala silang ibang pagpipilian sapagkat ito na ang naiisip nilang pinakamadali at pinakamabilis na pagkakakitaan.
Marami sa kanila ay kabataang babae na diumano ay mga naghahanap ng sponsor o sugar daddy para mabuhay ng mas matiwasay at maabot ang mas magarbong buhay para sa pamilya. At ngayon nga raw ay mas moderno na ang ganitong paraan ng hanap-buhay dahil ONLINE na din ito at sa mga social networking sites na nangyayari ang kanilang mga transaksyon.
Photo credit to GMA News and Sugarbook website |
Ngunit gaano kaya katotoo na mas tumaas ng limang beses ang bilang ng mga 'sugar babies' dahil sa nangyayaring pandemya ngayon? Ayon diumano sa datos ng 'Sugarbook', isang online luxury dating site, totoo na mas tumaas ng halos limang beses ang Sugar Babies members kumpara sa Sugar Daddies sa Pilipinas, bunsod ng pandemic. Ayon din sa nasabing website, tumataginting na Php 49,700 ang average monthly allowance ng isang sugar baby, kaya naman marami talaga ang naeengganyong kababaihan na makilahok dito.
Photo credit to GMA News and Sugarbook website |
Naglabas din ng data ang Sugarbook kung saan ipinakita nito ang Top 5 na lugar sa Pilipinas kung saan may pinakamaraming bilang ng sugar babies and sugar daddies. Ipinakita din nila ang saklaw ng edad at ibang hanapbuhay o status ng mga ito.
Ayon sa data, pinakamataas ang bilang ng sugar babies and daddies sa Metro Manila, Sunod ay sa Calabarzon, Central Luzon, Central Visayas at Northern Mindanao. Mula 18-34 years old naman ang saklaw ng edad at karamihan sa kanila ay mga estudyante.
|
Photo credit to GMA News and Sugarbook website |
Source: GMA News
Source: Daily Sentry
0 Comments