Photo credit to Pinkypie Montina's Facebook |
Isang Pinay OFW sa Singapore ang sobrang dismayado at nagpaabot ng reklamo kontra sa LBC sa diumano ay 'Laslas Balikbayan Box' incident na kanyang naranasan kamakailan lamang.
Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Pinkypie Montina, ang kanya diumanong naging pangit at kalunos-lunos na karanasan sa LBC matapos malaman na marami sa kanyang mga pinadalang items na nasa loob ng balikbayan box ay naglaho na parang bula at hindi nakarating ng maayos sa patutunguhan.
Photo credit to Pinkypie Montina's Facebook
|
Ibinahagi ni Montina ang mga larawan, ng tila ay niransacked at sira-sirang box, na ayon sa kanya ay hinati-hati sa tatlo mula sa isang XL box na pinadala. Ito raw ay nirepack at kinuha ang halos lahat ng magagandang bagay sa loob nito na wala na halos matira para sa kanyang pamilya.
Photo credit to Pinkypie Montina's Facebook
|
"For more than two months July 03-SEPTEMBER 23,2020 my box arrived was the date my son’s Birthday it was sad and very upset my xl box turn into 3boxes. been repack, damaged and stolen almost all good thing inside.", sulat ni Montina.
Dagdag ni Montina, sobrang dismayado siya sa pangyayaring ginawa na iyon ng LBC kaya naman nagsampa na siya ng reklamo, hindi sa gusto niyang maibalik ang nagastos dito, dahil hindi raw kayang bayaran ng pera ang hardwork and pain na ginugol niya upang may maipadala sa pamilya.
Photo credit to Pinkypie Montina's Facebook |
Nais niya raw makarating ang kanyang reklamo sa kinauukulan upang hindi na muling maulit pa at wala nang iba pang mabiktima kung sino man ang may gawa ng 'Laslas Balikbayan Box' na ito.
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:
"I ask for CLAIM NOT BECAUSE I WANT My MONEY BACK, I ask claim is because I work hard for it. I bought all those groceries,food ,clothes for my kids and Family, I spend 6months para maipon yun at mabili ,take me 15mins to walk from the main rd.to my house to buy all that stuff .It take me two days to Pack my balikbayan box my hard work and pain HINDE MABAYARAN NG PERA,AYAW KO NA MAY ISA PA NGA MABIKTIMA CALLING THE ATTENTION OF ALL OFW SINGAPORE NA NAGING
PARA MATULDUKAN NA ANG MGA GAWAING GANITO
# ONLY OFW KNOWS IT
#OFWINSINGAPORE
#PhilippineEmbassySingapore
#LBCEXPRESSINC, na nagblock sa akin sa Fb
Pls.share"
Source: Pinkypie S Montina | Facebook
Source: Daily Sentry
1 Comments
The information in the post you posted here is useful because it contains some of the best information available. Thanks for sharing it. Keep up the good work Pick and Place Packaging.
ReplyDelete