Tagalog News: Calatrava at San Agustin, hindi tatanggap ng LSI sa Disyembre

Simula sa darating na ika-1 ng Disyembre ay ipagpapaliban muna ng lokal na pamahalaan ng San Agustin ang pagtanggap sa mga uuwi na locally stranded individual o LSI sa kanilang bayan. (Larawan mula sa RHU San Agustin)

ODIONGAN, Romblon, Nob. 24 (PIA) -- Simula sa darating na ika-1 ng Disyembre ay ipagpapaliban muna ng lokal na pamahalaan ng San Agustin ang pagtanggap sa mga uuwi na locally stranded individual o LSI sa kanilang bayan.

Batay ito sa kautusan na ibinaba ng kanilang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

Ayon sa IATF ng San Agustin, tanging mga APOR o Authorized Persons Outside Residence sa Disyembre 1-31 para mabigyan ng pagkakataong makapagpahinga ang mga health workers na walang sawang nagbabantay sa mga LSI na dumadating sa bayan mula pa noong magsimula ang pandemya ng coronavirus disease 2019 o Covid-19.

Matatandaang nauna nang nagpatupad ng suspension ng pagpapauwi ng mga LSI ngayong Disyembre ang bayan ng Calatrava kung saan hindi sila tatanggap ng LSI simula sa Disyembre 7, 2020 hanggang Enero 6, 2021.

Samantala, tatanggapin pa rin nila ang mga residente na babalik sa kanilang mga bayan matapos tumungo ng ibang probinsya para magpagamot. (PJF/PIA-Mimaropa)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments