Tagalog News: DSWD Mimaropa, MSC, lumagda ng MOA para sa SLP sa Marinduque

Lumagda sa isang MOA ang DSWD Mimaropa at Marinduque State College (MSC) noong ika-10 ng Nobyembre pang lumikha ng mga proyektong makakabawas sa kahirapan at palakasing maiangat ang kabuhayan ng mga marginalized sector sa probinsya ng Marinduque sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Kagawaran. (Larawan mula sa DSWD MImaropa)

BOAC, Marinduque, Nob. 13 (PIA) -- Lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Mimaropa at Marinduque State College (MSC) noong ika-10 ng Nobyembre  upang lumikha ng mga proyektong makakabawas sa kahirapan at palakasing maiangat ang kabuhayan ng mga marginalized sector sa probinsya ng Marinduque sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Kagawaran.

Isinagawa ang aktibidad sa tanggapan ng Office of the President ng MSC na pinasinayan ng Social Welfare and Development Team (SWADT) Team Leader Helen Alcoba, SLP Provincial Coordinator Adonis T. Analista  at ni Dr. Vernaliza L. Capina, Officer-In-Charge ng MSC.

Sa naturang aktibidad, ipinalabas ang mga mahahalagang impormasyon hinggil sa Sustainable Livelihood Program kaakibat ang mga proyekto nito, kasalukuyang estado ng operasyon na binibigyang-diin ang mga asosasyon ng SLP bilang ‘market-driven’ at ‘resource based’ upang mapanatili ang kanilang kabuhayan alinsunod sa patakaran at mga alituntunin sa pagpapatupad ng negosyo.

Ang dalawang partido; DSWD Mimaropa at MSC ay sumang-ayong magtutulungan upang maibigay sa mga benepisyaryo ng programa ang tulong na pangteknikal, ibahagi ang kanilang mga mapagkukunan, kadalubhasaan at iba pang mga impormasyong nauugnay sa mga kasalukuyang proyekto ng SLP. Bunsod nito, nagkaisa din ang ahensya at MSC na bumuo ng mga plano na  naglalaman ng inisyatibo at mga aksyong gagawin kasama ang inaasahang magiging resulta ng proyekto.

Sa kasalukuyan, ang MSC ay gagawa ng mga modules ng mga asosasyon bilang materyales sa pag-aaral na gagamitin sa aktibidad. Sila rin ang magsasagawa ng pag-schedule ng mga pagpupulong para sa mga wastong pagpapatupad ng aktibidad na naangkop sa mga tinatarget na benepisyaryo.

Ang nasabing MOA ay unang pagkakataong pagsosyo ng DSWD Mimaropa sa MSC na may nakasulat na kasunduan. (LC/PIAMimaropa/Calapan)

 



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments