Allowance ng Pasig City scholars, nai-release na

Pasig City Mayor Vico Sotto

LUNGSOD PASIG , Dis. 28 (PIA) – Masayang ibinalita ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa mga iskolar ng lungsod na nai-release na ng lokal na pamahalaan ang kanilang allowance.

“Sana nakuha niyo allowance niyo. Dahil naging available ang Paymaya dun na lang muna imbis na pumila kayo para claim ang cash cards,” pahayag ni Mayor Vico sa kaniyang Twitter account.

Ibinahagi ng alkalde na tatlong buwang allowance ng mga iskolar ang naipamahagi na, samantalang ang dalawang buwang natitira ay ipamamahagi sa Enero.

“Three months muna na-disburse. Sinubukan natin na 5 months kaso may teknikalidad sa budget. Di natin magawan ng paraan para i-release ang Jan-Feb 2021 allowance habang fiscal year 2020 pa lang…will release as soon as possible this January,” paliwanag nito.  

Paalala rin ni Sotto sa mga iskolar na ipagbigay-alam sa PCS office sakaling nagpalit ng cellphone number.

“Kung nagpalit kayo ng CP#, paki inform ang PCS office. Yung mga bago, sa January po,” aniya

Pinasalamatan din ni Sotto ang mga mag-aaral sa kanilang pag-unawa. Gayundin, nanawagan din siya sa ibang mag-aaral na nangangailangan ng smart tablet na makipag-ugnayan sa pamahalaang lokal.

“Thank you for being patient with the processing, it really ahs been a very challenging 9 months for everyone. Kung may kakilala kayong nangangailangan ng tablet (kahit di scholar) may mga 50 pa,” dagdag ni Mayor Sotto.

Samantala, magugunitang ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig ay namahagi ng mga libreng gadgets para sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan bilang kaagapay sa kanilang blended learning program ngayong panahon ng pandemya. (PIA-NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments