Bagong curfew hours sa Caloocan, ipatutupad sa panahahon ng Kapaskuhan

LUNGSOD CALOOCAN, Dis. 4 (PIA) -- Ibinalitan ngayong araw ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang bagong curfew hours na ipatutupad sa ilalim ng general community quarantine, alinsunod sa mga alituntunin na itinakda ng Inter-agency Task Force Against COVID o IATF ngayong panahon ng Kapaskuhan.

“Simula ngayong araw, ang bagong curfew hours sa lungsod ng Caloocan ay alas-12 ng hating-gabi hanggang alas-3 ng umaga,” ayon sa lokal na pamahalaan sa Facebook.

“Ito ay base sa Executive Order No. 045-2020 na pinirmahan ni Mayor Oca Malapitan upang magbigay-daan sa nalalapit na pagsisimula ng tradisyunal na Simbang Gabi ngayong Kapaskuhan,” dagdag pa nito.

Ayon pa sa post, mahigpit ang tagubilin ni Mayor Oca at ng Pamahalaang Lungsod sa mga simbahan at mga dadalo sa Simbang Gabi na sundin ang IAFT guidelines at ang health ang safety protocols upang makaiwas sa COVID-19.

“Patuloy naman ang paalala ng Punong-Lungsod na bawal pa rin lumabas ang mga edad 17 pababa at 65 taong-gulang pataas na hindi kabilang sa essential workforce,” dagdag pa nito. (PIA NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments