House-to-house distribution ng ‘Pamaskong Handog’ food packs sa Pasig, nagsimula na

LUNGSOD PASIG, Dis. 6 (PIA) -- Sinimulan na ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig nitong Sabado, Disyembre 5, ang pamamahagi ng ‘Pamaskong Handog’ food packs para sa mga residente ng siyudad.

Pinangasiwaan mismo ni Mayor Vico Sotto ang pamamahagi ng mga food packs sa mga taga-Pasig.

Sa kaniyang Facebook page, pinaalala ni Mayor Vico sa mga residente na manatili lamang sa loob ng bahay at hintayin ang pagdating ng maagang aginaldo.

Paalala rin ni Sotto na ihanda ang QR code mula sa PasigPass para sa mas mabilis na proseso.

“LIBRE po ang QR code. maaaring humingi ng tulong sa barangay kung nahihirapan,” payo nito.

Gayundin, paalala sa mga seniors at PWDs na “huwag mag-panic” kung hindi pa nakapag rehistro.

“Naka pre-register na po kasi kayo sa PasigPass dahil sa Cash Card na may QR code na rin. Ipaalam lang sa team na senior/PWD kayo at tutulungan nila kayo,” paliwanang ng alkalde.

Kamakailan, masayang ibinalita ni Mayor Sotto ang pamamahagi ng mga food packs na aabot sa 360,000 na piraso.

Sumailalim rin sa PCR testing ang distribution team upang masiguro ang kanilang kalusugan at kaligtasan maging ng mga tatanggap ng food packs.

Para sa iba pang impormasyon at updates, tumutok lamang sa Pasig City Public Information Office https://ift.tt/g8FRpY PasigPIO. (PIA-NCR)

 



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments