Mga donasyong bigas, sanitizers malugod na tinanggap ng MMDA

Ang mga donasyon mula sa Kevin art at Good fellow Foundation habang ibinababa sa tanggapan ng MMDA. (Larawan mula sa MMDA)

LUNGSOD PASIG, Dis. 3 (PIA) -- Malugod na tinanggap ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair Danilo Lim ang mga donasyon sa ahensya mula sa Kevin Mart at Good Fellow Foundation.

Nagpasalamat si Lim sa mga grupo sa kanilang pagsuporta sa serbisyo ng MMDA lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Kabilang sa mga donasyon na tinanggap ng MMDA ay mga sako ng bigas, disinfecting soap, at sanitizer para sa ahensya.

Ani Lim, malaki ang nagagawa sa pag boost ng morale ng mga kawani ng ahensya ang malasakit na iniaabot.

Idinagdag din ni Lim na mas paiigtingin pa ng ahensya ang kanilang frontline at emergency services ngayong panahon ng pandemya bunsod ng COVID-19. (PIA-NCR)

 



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments