Mga iligal na naninirahan sa Runruno, lumilikas na

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Disyembre 2 (PIA) - Nag-umpisa nang lumisan ang ilan sa mga mahigit 200 na illegal settlers sa Barangay Runruno sa bayan ng Quezon Nueva Vizcaya kamakailan dahil sa tulong ng iba't-ibang ahensiya ng pamahalaan.

Ipinahayag ito ng mga spokesperson ng mga illegal settlers sa sitio Bit-ang Kinalabasa at compound matapos ipakita ng DENR-Mines & Geo-Sciences Bureau sa isinagawang dialogue ang mapanganib na kundisyon ng kanilang kinalalagyan bilang mga geo-hazard zones.

Ayon kay Mayor Dolores Binwag, naglaan na ng pondo ang LGU upang makabili ng ligtas na relocation area para sa mga illegal settlers.

"Kami ay nagmamakaawa sa inyo na sumunod sa ating batas upang kayo ay hindi malagay sa panganib," pahayag ni Binwag.

Ayon naman kay Provincial Legal Officer Voltaire Garcia, inihahanda na ng PLGU ang assessment value ng mga ari-arian ng mga illegal settlers upang maging basehan sa maaaring kabayaran sa kanila ng FCF minerals corporation at ng pamahalaan.

Handa umano ang FCF Minerals Corporation na bayaran ang mga ari-arian ng mga illegal settlers na sakop ng kanilang mining permit.(MDCT/BME/PIA 2-Nueva Vizcaya)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments