‘Pamaskong Pabahay’ handog ng Eastern Police District

EPD

LUNGSOD PASIG , Dis. 26 (PIA) -- Pinangunahan ng Eastern Police District (EPD) ang paghahandog ng “Pamaskong Pabahay” sa isang residente ng lungsod Marikina sa mismong araw ng Kapaskuhan, Disyembre 25.

Sa pangunguna ni EPD District Director Police Brigadier General Matthew Baccay, kasama ang iba pang opisyales ng EPD, ipinagkaloob ang naipatayong pabahay kay Merlita Villamor Rabino, kasabay ng pagdiriwang ng ika-72 na kaarawan ni nanay Merlita.

“Ito na marahil ang pinakamasayang Pasko at pinakamasayang kaarawan sa tala ng aking buhay sapagkat ito ang unang kong pagkakataong tumira sa isang maayos na bahay,” ayon kay nanay Merlita na nakatira sa Bulalad Settlement, Barangay Nangka, Marikina City.

Layunin ng naturang proyekto na ayusin ang mga nasirang bahay mula sa mga kapos na pamilya na nasalanta ng matiding pagbaha bunsod ng bagyong ‘Ulysses’ noong Nobyembre.

Namahagi rin ang EPD ng mga kagamitang pambahay at grocery items kay Nanay Merlita.

Magugunitang sakop ng EPD ang mga lungsod ng Marikina, Pasig Mandaluyong at San Juan sa Kalakhang Maynila. (PIA-NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments