Tagalog News: 20 motorista, huli sa 'Bitag Lambat Sasakyan' ng HPG, LTO-Romblon

Mahigit sa 20 na lumabag sa mga local ordinances at national law ang na naticketan ng mga operatiba ng PNP Highway Patrol Group (HPG), Land Transportation Office (LTO), at Odiongan Municipal Police Station noong umaga ng Miyerkules, December 2. (Paul Jaysent Fos/PIA-Romblon)

ODIONGAN, Romblon, Dis. 5 (PIA) -- Mahigit sa 20 na lumabag sa mga local ordinances at national law ang na naticketan ng mga operatiba ng PNP Highway Patrol Group (HPG), Land Transportation Office (LTO), at Odiongan Municipal Police Station noong umaga ng Disymembre 2.

Ito ay sa ikinasa nilang Oplan: Lambat Bitag Sasakyan sa bayan ng Odiongan sa Romblon.

Ang nasabing operasyon ay para masiguro na ang lahat ng sasakyan na bumabiyahe sa mga national road sa probinsya ng Romblon ay rehistrado at hindi mga nakaw.

Samantala, dalawang motorsiklo naman ang na-impound dahil sa walang maipakitang papeles ang mga may gamit rito.

Ayon kay Police Chief Master Sergeant Dindo Rivas ng HPG, regular itong ginagawa ng kanilang ahensya para na rin umano sa kaligtasan ng mga nasa lansangan.

Kautusan rin umano ito mula kay PNP Highway Patrol Group Director, PBGen Alexander C Tagum kung saan inuutusan nito ang PNP Highway Patrol Group kasama ang iba pang ahensya na nagpapatupad ng batas sa kalsada na magsagawa ng ‘One Time Big Time’ na operasyon sa buong bansa. (PJF/PIA-Mimaropa)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments