Tagalog News: DTI-Romblon nagkaloob ng mga livelihood assistance kits sa San Jose

Ang bawa't benepisyaryo na MSME o Small and medium-sized enterprises ay nakatanggap ng P5,000 halaga ng kagamitan pandagdag sa mga gamit nila sa pagnenegosyo. (Larawan mula sa San Jose PIO)

ODIONGAN, Romblon, Dis. 5 (PIA) -- Ipinagkaloob ng Department of Trade and Industry-Romblon sa ilang maliliit na negosyante sa bayan ng San Jose, Romblon ang mga Livelihood Assistance Kits mula sa Livelihood Seeding Program-Serbisyo sa mga Barangay (LSP-NSB) ng gobyerno.

Ito ay programa ng DTI na makakatulong sa mga maliliit na negosyo ngayong panahon ng Covid-19 pandemic.

Pinangunahan mismo ni DTI-Romblon Provincial Director Noel Flores ang pamamahagi sa mga kits kasama ang lokal na pamahalaan ng San Jose sa pangunguna naman ni Mayor Ronnie Samson at Vice Mayor Egdon T. Sombilon.

Ang bawa't MSME o Small and medium-sized enterprises ay nakatanggap ng P5,000 halaga ng kagamitan pandagdag sa mga gamit nila sa pagnenegosyo.

Ayon sa isang negosyante, malaking tulong aniya ito para sa kanila lalo na sa mga bagong simula palang na negosyo na lubos na naapektuhan ng pandemya. (PJF/PIA-Mimaropa)

 



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments