Tagalog News: Giant christmas tree sa Puerto Princesa, pinailawan na

Pinailawan na sa unang araw ng Disyembre ang may taas na 100 talampakang Christmas Tree ng Puerto Princesa City, bilang hudyat ng pagsisimula ng 'Pistahan at Paskuhan' sa lungsod. (LBD/PIA-Palawan)

PUERTO PRINCESA, Palawan, Dis. 3 (PIA) -- Pormal na idinaos ang seremonya sa pagpapailaw ng tinaguriang ‘giant Christmas tree’ sa lungsod ng Puerto Princesa.

Sa kabila ng nararanasang pandemya sa kasalukuyan dulot ng coronavisrus disease 2019 (COVID-19), isinagawa sa City Baywalk ang taunang ‘Light a Tree’ ng pamahalaang lungsod.

Ito rin ang hugyat ng pagsisimula ng pagdiriwang ng Pistahan at Paskuhan sa siyudad na magpapatuloy hanggang sa dumating ang araw ng pagsalubong sa bagong taon.

Sa mensahe ni Mayor Lucilo Bayron, sinabi niyang nilimitahan nila sa 250 katao ang bilang ng mga dumalo at sumaksi sa seremonya upang matiyak na masusunod ang mga panuntunang pangkalusugan na ipinatutupad sa nasabing pagtitipon.

Nilinaw din ng punong lungsod na hindi na nagkaroon ng magarbong fireworks display tulad ng nakasanayan ng mga taga lungsod sapagkat ang pondo para rito ay idinagdag sa pagtugong ng lungsod sa pandemya sa COVID-19.

Samantala, ang pinailawang higanteng Christmas tree ay may taas na 100 talampakan, na gabi-gabi nang dinarayo ng mga taga lungsod habang namamasyal sa baybay. (LBD/PIAMIMAROPA)

 



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments