Tagalog News:  Pagtanggap ng mga LSI sa Puerto Princesa,10 munisipyo sa Palawan suspendido muna

LSI suspesion
Ang mga munisipyo sa Palawan na nagpatupad ng pansamantalang pag-suspende sa pangtanggap ng mga Locally Stranded Individuals (LSIs) ngayong holiday seasons. (social card mula sa PDRRMO-Palawan)

PUERTO PRINCESA, Palawan, Dis. 21 (PIA.) -- Pansamantalang sinuspende ng Pamahalaang Panglungsod ng Puerto Princesa at ilang munisipyo sa Palawan ang pagtanggap ng mga Locally Stranded Individuals o LSI ngayong Disyembre hanggang sa unang linggo ng Enero 2021.

Ang pansamantalang pagsuspende ng pagtanggap ng mga LSI ay ayon na rin sa kahilingan ng mga Local Inter-Agency Task Force on COVID-19 sa Lungsod ng Puerto Princesa at Lalawigan ng Palawan na kinatigan naman ng Regional Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (R-IAFT-EID).

Sa Puerto Princesa, mula Disyembre 18, 2020 hanggang sa Enero 2, 2021 ang suspensiyon ng pagtanggap ng mga LSI.

Samantala, 10 munisipyo naman sa Palawan ang nagpatupad na rin ng pansamantalang pagsuspende ng pagtanggap ng mga LSI.

Ang mga ito ay ang munisipyo ng Agutaya, kung saan ang suspensiyon ay mula Disyembre 10-24.

Ang mga bayan naman ng Aborlan at Narra ay mula Disyembre 11-25 hanggang Disyembre 25.  Ang mga bayan ng Sofronio Española at Cuyo ay mula Disyembre 14-28.

Ang Bayan ng Linapacan, mula Disyembre 16 at ang bayan ng Quezon mula Disyembre 17, na parehong magtatapos hanggang sa Disyembre 31.

Ang Bayan ng Roxas at San Vicente mula Disyembre 19 hanggang Enero 2, 2021.

At ang pinakahuli ay ang Bayan ng Taytay mula Disyembre 19 hanggang Enero 3, 2021.

Layon ng hakbang na ito ng mga lokal na pamahalaan na mabigyan naman ng pagkakataon na makapagpahinga ang mga frontliner ngayong holiday season. (OCJ/PIA-MIMAROPA)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments