Tree Planting activity ng LTFRB sa NCR, iba pang rehiyon, tagumpay

Larawan ng Tree Planting activity na isinagawa ng LTFRB NCR kasama ang DENR sa La Mesa WaterReservation sa Lungsod Quezon noong Sabado, Disyembre 5, 2020. (Larawan mula sa LTFRB)

LUNGSOD CALOOCAN, Dis. 6 (PIA) -- Matagumpay ang isinagawang tree planting activity ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Central Office at NCR Regional Office, kasama ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa La Mesa Water Reservation sa Quezon City, Sabado, ika-5 ng Disyembre 2020.

Pinangunahan nina LTFRB Chairman Atty. Martin B. Delgra III, LTFRB Board Member Engr. Ronaldo Corpuz, LTFRB Board Member P/Col. Joel Pernito (ret.), LTFRB-NCR Regional Director Atty. Zona Russet Tamayo, at LTFRB Technical Division Head Mr. Joel Bolano ang pagtanim sa mahigit kumulang na 8,500 tree seedlings para sa aktibidad, na may temang ‘Pamasko Para Kay Inang Kalikasan’.

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na pinagtibay ni Department of Transportation (DOTr) Kalihim Arthur P. Tugade, upang maproteksyunan ang kalikasan laban sa mga matitinding baha dulot ng bagyo na sanhi ng pagkawala ng mga tahanan at kabuhayan ng mga residente.

Bahagi rin ang tree planting activity sa pakikiisa ng LTFRB sa United Nations World Soil Day na ipinagdiriwang tuwing ika-5 ng Disyembre bilang pagkilala sa magandang dulot ng lupa sa kalikasan.

Ayon sa LTFRB, Nakiisa rin ang kanilang tanggapan sa Region I, sa pamumuno ni Regional Director Nasrudin Talipasan, sa tree planting activity. Nagtanim ang mga kawani ng ahensya, kasama ang Pan Ilocandia Transport Cooperative, ng 150 mangroves sa baybayin ng Sto. Tomas, La Union.

Mahigit kumulang 1,000 mga sisidlan ng mga binhi ng Acacia, Mahogany, at Narra ang itinanim ng LTFRB Region II, sa pamumuno ni Regional Director Edward Cabase, sa Piat, Cagayan. Kasama rin sa aktibidad ang ilang Transport cooperatives sa bayan ng Lallo na nagtanim ng mahigit 100 puno ng Lubeg o Philippine Cherry, at iba pang kooperatiba at local government unit sa bayan ng Baggao na nagtanim ng 1,000 puno ng Acacia. 

Sa Macabebe, Pampanga, nagtanim din ang LTFRB Region III, sa pamumuno ni Regional Director Ahmed Cuizon, ng 1,000 puno ng Mangrove kasama ang Rainbow Express Transport Service Cooperative, DM UV Transport Service Cooperative ,Inc., at Damayan Transport Service Cooperative.

Nakibahagi rin ang LTFRB Region IV, sa pamumuno ni Regional Director Col. Renwick Rotaquio (ret.), kasama ang Lipa City CENRO, Batangas Transport Service Cooperative (BATRASCO), at Batangas Maginoo Transport Cooperative, sa tree planting activity Brgy. Bagong Pook, Malvar, Batangas kung saan naitanim ang 120 seedlings ng Kasoy at Narra.

Nagkaroon din ng tree planting activity sa Bongabong, Oriental Mindoro kung saan naitanim ng Bahaghari Transport Service Cooperative ang 100 seedlings ng Guyabano. Sa San Mateo, Rizal naman, nakapagtanim ang Modernized Transport Services Corporation ng 250 seedlings ng Langka at Narra.

Nasa mahigit 3,000 iba't-ibang uri ng seedlings ang naitanim ng LTFRB Region VI, sa pamumuno ni Regional Director Richard Osmeña, sa Badiangan, Iloilo. 

Nakapagtanim din ang LTFRB Region VII, sa pamumuno ni Regional Director Eduardo Montealto, kasama ang DENR at Philippine Coconut Authority (PCA) ng 150 puno ng niyog at 150 iba't-ibang uri ng fruit bearing trees sa Cebu City, Cebu. 

Nakiisa rin ang LTFRB Region VIII, sa ilalim ng liderato ni Regional Director Gualberto Gualberto, sa isinagawang tree planting activity kasama ang City Environment and Natural Office (CENRO) sa Palo, Leyte. Nagtanim sila ng 100 na puno ng Bani at Bitaog. 

Mga puno ng Narra at Mahogany naman ang naitanim ng LTFRB Region IX, sa pamumuno ni Regional Director Nonito Llanos III sa Sitio Muruk, Zamboanga City. Kasama ng ahensya sa aktibidad ang ilang Transport Service Cooperatives, CENRO, at General Services Office ng lungsod. Matapos ang aktibidad, nagkaroon ng maagang pamasko ang ahensya sa 39 batang naulila ng mga magulang at kasalukuyang naninirahan sa St. Francis Orphanage sa Brgy. Pasonanca.

Matagumpay din ang isinagawang tree planting activity ng LTFRB Region X, sa pamumuno ni Regional Director Aminoded Guro, sa Iligan City, Camiguin Island, Oroquieta City, Ozamiz City, Valencia City, Gingoog City, at Cagayan de Oro City. Sa kabuoan, nasa 3,200 seedlings ang kanilang naitanim ngayong araw. Para sa buong detalye, pumunta sa link na ito:

Sa Toril, Davao City, nagtanim din ang LTFRB Region XI, sa pamumuno ni Regional Director Armand Dioso, kasama ang CENRO, ng 250 puno ng Lauan.

Nakapagtanim din ang LTFRB Region XII, sa ilalim ng liderato ni Regional Director Col. Paterno Padua (ret.) ng 400 seedlings ng Bakan, Narra, at Tuai sa Koronadal City, South Cotabato.

Kasama naman ng LTFRB Cordillera Administrative Region, sa pamumuno ni Regional Director Lalaine Sobremonte, ang Philippine National Police (PNP), DENR, at ilang transport groups at transport service cooperatives sa pagtatanim ng 550 Pine Trees sa Lubas Communal Forest sa La Trinidad, Benguet.

Ayon sa LTFRB malaking tulong ang isinagawang tree planting activity ngayong para mapanatiling maayos ang kalikasan, at para maiwasan ang mga pagbaha na dulot ng bagyo at malalaks at tuloy tuloy nap ag ulan. (LTFRB/PIA-NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments