Tagalog News: LTFRB, naglunsad ng website para sa service contracting program

Alamin ang mga kwalipikasyon at requirements sa pagsali sa Service Contracting Program ng LTFRB. (Photo from www.servingcontracting.ph)

QUEZON CITY, Hun. 29 (PIA) -- Opisyal na nilunsad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang website ng Service Contracting Program kanina para makapag-rehistro ang mga Traditional Public Utility Jeepney (TPUJ) drivers na nais sumali sa programang ito.

Ang service contracting program na maaari na ngayong ma-access sa https://ift.tt/3r5hOdQ ay naglalayong masiguro na may maasahan at ligtas na pampublikong transportasyon ang mga commuters. Sa ilalim ng programa, libre din ang sakay para sa ating mga healthcare frontliners na patuloy na lumalaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ang bagong feature ng mobile app na Sakay.ph – ang commuter's feedback -- ay makapagbibigay naman ng katugunan sa mga mananakay kung mahusay at maayos ba ang naging serbisyo ng mga draybers sa ilalim ng Service Contracting Program. Ang commuter’s feedback feature ay magbibigay-daan upang malaman ng ahensya ang iba’t-ibang karanasanan ng ating mga pasahero sa daan.

Maaaring ding mapanuod ang video orientation tungkol sa Service Contracting Program sa nasabing website.

Para sa mga karagdagang katanungan, maaring tumawag sa LTFRB Program Implementing Unit Office - (02) 8529 - 7111 loc 845 o sa LTFRB 24/7 Hotline: 1342. (MTQ/PIA-IDPD with additional information from LTFRB)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments