Tagalog News: Mahigit 100 riders sa Odiongan, natiketan sa operasyon ng PNP at LTO

Pinamunuan ni Police Chief Master Sergeant Dindo Rivas ng HPG-Romblon ang operasyon kung saan mahigit 100 sasakyan ang kanilang natiketan matapos lumabag sa ilang national laws at ilang municipal ordinance. May pitong sasakyan rin ang na-impound. (Paul Jaysent Fos/PIA-Romblon)

ODIONGAN, Romblon, Enero 29 (PIA) -- Buong araw na nagkasa ng Oplan Lambat Bitag Sasakyan ang mga operatiba ng PNP Highway Patrol Group (HPG), Land Transportation Office (LTO), Romblon Provincial Mobile Force Company (RPMFC), at Odiongan Municipal Police Station kahapon.

Ang nasabing operasyon ay para masiguro na ang lahat ng sasakyan na bumabiyahe sa mga national road sa probinsya ng Romblon ay rehistrado at hindi mga nakaw.

Pinamunuan ni Police Chief Master Sergeant Dindo Rivas ng HPG-Romblon ang operasyon kung saan mahigit 100 sasakyan ang kanilang natikitan matapos lumabag sa ilang national laws at ilang municipal ordinance. May pitong sasakyan rin ang na-impound.

Kalimitang nalabag ng mga nahuli ay ang hindi pagsusuot ng helmet, pasong mga lisensya ng motorsiklo at ng mismong nagmamaneho at iba pa.

Tiniketan rin ang mga hindi sumusunod sa tamang health protocols katulad ng hindi pagsusuot ng face masks, at walang physical distancing sa sasakyan.

Aniya, ang operasyon ay para mapanatili ang kaligtasan ng publiko tuwing nasa kalsada. (PJF/PIA-Mimaropa)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments