Tagalog News: Pagsasaka ng mga taga Agusan mas pinadali sa pamamagitan ng rice mechanization equipment

LUNGSOD NG BUTUAN, Pebrero 24 (PIA) -- Umabot sa P42.38 Milyong halaga ng rice mechnization equipment ang kabuoang natanggap ng mga magsasaka sa probinsya ng Agusan del Norte na nakatulong upang mapadali ang kanilang pagsasaka.
 
Aminado si Nicolas Licuna, ang presidente ng Sayadion-Cuyago Irrigators Association Incorporated ng Jabonga, Agusan del Norte na malaki ang tulong ng Rice Tarrification Law sa kanilang mga magsasaka.
 
Malaki ang pasalamat ni Licuna sa gobyerno dahil sa pamamagitan ng rice mechanization equipment,bababa ang kanilang gastos sa pagsasaka at tataas pa ang kanilang kita.
 
Labing limang (15) kooperatiba ng mga magsasaka sa Agusan del Norte at Butuan City ang nakatanggap ng intervention mula sa Department of Agriculture – Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization o PhilMech.
 
Kabilang sa mga natanggap na makinaryas ang four-wheel tractors, hand tractors, floating tillers, combine harvesters, behaind transplanters,  riding-type transplanters, at precision seeder.
 
Maliban sa pinadali at mas mataas na ani sa mas mababang gasto, kikita din ang mga kooperatiba dahil sa renta ng mga makinaryas na kanilang natanggap, ayon kay DA Caraga Regional Director Abel James Montegudo, ang rice tariff revenues ay malaking tulong upang maiangat ang kalagayan ng mga magsasaka sa bansa. (NCLM/PIA Agusan del Norte)

 



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments