LUNGSOD NG BATANGAS, Marso 2 (PIA) --Pasado ang pamahalaang lungsod ng Batangas sa isinagawang validation ng Department of Interior and Local Government (DILG) validation team na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa DILG, Philippine National Police (PNP), at Bureau of Fire Protection (BFP) noong ika-24 ng Pebrero 2021.
Ang naturang pagbisita ay pinangunahan ng grupo mula sa bayan ng Taal sa pangunguna ni Municipal Local Government Operations at Chairperson Francia Templo kasama si Taal Chief of Police PMaj Rheden Manalo, BFP Chief Norman Signo at iba pang kinatawan mula sa konsernadong ahensya.
Nakakuha ng 48 na puntos ang lungsod sa road clearing operations mula sa 50 points na perfect score dahilan sa nakitang dalawang illegally parked vehicles sa mga inikutang kalye ng validation team.
Ayon sa guidelines ng DILG, kabawasang isang puntos sa bawat sasakyang makikitang nakaparada sa kalye na hindi dapat paradahan.
Kabilang sa inikutan ng validation team ang may 10 city at barangay roads na may habang 11,73 kilometers alinsunod pa din sa guidelines.
Batay sa obserbasyon ng grupo, maayos at kitang kita ang suporta ng lokal na pamahalaan sa kampanyang ito ngpamahalaang nasyunal. Pinuri din nila ang maayos na daloy ng trapiko at maging ang kalinisan ng lungsod.
Tiniyak naman ni Mayor Beverley Rose Dimacuha ang patuloy na pakikiisa ng lungsod sa road clearing operations at iba pang programa ng gobyerno para sa ikaaayos ng mga mamamayan.
“"Sa pamamagitan ng mga ganitong gawain, nadedevelop ang disiplina na hangad natin na higit pang mapalakas sa pamamagitan ng “Eto BatangueƱo Disiplinado, Magkatuwang Tayo"(EBDMT) program," ani Dimacuha.
Ang EBDMT ay isang programa na inilunsad ng pamahalaang lungsod na layong maituro ang disiplina sa lahat ng BatangueƱo mula sa simpleng pagtawid sa tamang tawiran, pagtatapon at paghihiwalay ng basura at marami pang iba na simpleng ginagawa ngunit kalimitang nakikitaan ng maling pagsunod. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas with reports from PIO Batangas City)
Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)
0 Comments