Tagalog News: LGU Los Baños inilunsad ang #IJuanaHelp

LUNGSOD NG CALAMBA, Laguna, Marso 4 (PIA) --Sa pamamagitan ng tanggapan ng Gender and Developmment, inilunsad ng pamahalaang bayan ng Los Banos ANG #IJuanaHelp, isang online advocacy for a cause.

Ang online advocacy naglalayong matulungan ang mga kababaihan residente na nakakaranas ng iba't ibang karamdaman tulad ng breast cancer, cervical cancer at iba pang kahalintulad na sakit.

"Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, nais nating matulungan ang mga kababaihan nating patuloy na lumalaban sa kanilang karamdaman," pahayag ng pamahalaang lungsod ng Los Baños.

Sa pamamagitan ng inyong donasyon sa #IJuanaHelp, matutulungan ang mga kababaihan na magkaroon ng pag-asa at pinansyal na mapagkukunan upang tuluyang gumaling sa kanilang karamdaman.

Sa mga nais magpaabot ng tulong, maaari ipadala sa LGU Los Baños Trust na may account number 1892-1020-97 sa Land Bank of the Philippines.

Base sa datos ng Pilipinas, ang cervical cancer ang pangalawang top killer ng kababaihan sa bansa kasunod ng breast cancer.

Ayon sa Department of Health (DOH) at Philippine Cancer Society (PCS), mahigit 7,000 kababaihan sa Pilipinas ang nada-diagnose na may ganitong karamdaman taon-taon. (CPG, PIA-4A at ulat mula sa Mun. Govt. of Los Banos FB Page)

 



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments